Pagpapalago ng Turismo sa Pilipinas

Sabi nga nila "You only live once" kaya lubos lubosin na natin ang mga nalalabing araw natin dito sa mundo. Hanggat buhay pa,  tayo ay maglakbay at magsaya. Punuin natin ng magagandang tanawin ang ating mga mata. 

Isa sa Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng Maykapal ng likas na yaman at nagtataglay ng makulay na kasaysayang ating maipagmamalaki sa mga turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang maka-hikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos , malaki ang inilago ng turismo kumpara sa mga nagdaang taon ngunit sa kabila ng pagsu-sumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target  na kabuuang kita para sa taong ito.

Bilang isang istudyante, kahit wala tayong posisyong makilahok sa mga gawain ng gobyerno. Meron parin tayong magagawa upang makatulong na mapaunlad ang turismo sa Pilipinas. Isang paraan ay ang pagpopost sa social media ng mga magagandang tanawin sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagpopost nito ay makakaingganyo tayo ng maraming turista na bumisita sa ating bansa. Bagama’t alam natin na ang social media ay isang paraan upang mabilis maikalat ang mga balita.



At bilang isang istudyante na kumukuha ng tourism management na kurso ang magagawa naming  sa pag-unlad ng turismo sa Pilipinas ay ang pagtulong sa pagpapaunlad ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas at pangalagaan ang mga magagandang tanawin na ito upang mapanatili ang turismo sa Pilipinas.


Anu ano kayang mga hakbang ang maaaring 
gawin ng ating bansa para dumugin tayo ng  
hindi mahulugang karayom na dami ng 
turistang hayok matikman ang ating fruit salad at magtampisaw sa ating maasul asul na dagat na may kasama
pang puting baybayin?

Narito ang mga sumusunod na solusyon upang mapalago ang ating turismo sa Pilipinas:

1. Pangunahing pangangailangan ng tao
        
       Ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay katulad nalang ng hangin, tubig, pagkain, tirahan  at damit.
                
           Sigurado ba tayo na malinis ang ating hangin? Malinis din ba ang tubig? Ang tanong may tubig nga ba? Maayos ba ang titirhan? Ligtas ba ang mga pagkain? Ang damit sa kanila nalang iyon. Pwede na ring idagdag sa pangunahing pangangailangan  yung kuryente at imprastruktura ng bansa. May kuryente ba? Maayos ba yung mga kalsada at establishments?


2. Ayusin ang airport

     Dito na napapaloob yung first impression ng mga turista. Kung anong klaseng lugar ang iyong pinupuntahan.
     
     Kung nanggigitata, nangangamoy, tumutulo, inconvenient at hindi maayos ang serbisyo sa airport pa lang, baka pagsisihan na ng dayuhan kung bakit naisip-isipan niyang magpunta pa sa bansang iyon.
     
    Parang bahay din yan nasa ayos ng gate at garahe pa lang parang alam mo na kung ano magiging ayos ng loob ng bahay.

3. Solusyonan ang karahasan at krimen

        Isyu na nga ang seguridad para sa mga Pilipino, dadagdagan pa natin ng mga dayuhan. Kung hindi natin masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong nakatira na sa Pilipinas, paano pa natin masisiguradong ligtas ang mga dayuhang bumibisita sa ating bansa?
         Ang kailangan ng bansa natin ay mas mabigat na mga parusa, mas epektibong pagpapatupad ng batas na mapagpapasaayos sa ating mga dayuhan at lalong lalo na sa ating kababayang pilipino.

4. Kahandaan sa mga natural calamities
        
         Lahat naman tayo ay gustong maging ligtas sa mga ano mang sakuna. Lalong lalo na’t hindi natin natitiyak ang mga pangyayari. Isa narin ito sa mga problemang kinakaharap natin, simpleng delubyo lang ni hindi natin ito matugunan ng maayos at mabilis. Ano nalang kaya ang mga dayuhan?

5. Maging masayahin sa inyong mga turista

     
       Isa ito sa mga pangunahing nagugustuhan ng mga dayuhan dito sa Pilipinas. Huwag naman natin itong alisin sa kanilang isipan. Lalong lalo na’t ito rin ang dahilan kung bakit dito sila bumibisita para makilala tayo ng lubos ng mga dayuhan.



MGA MAGAGANDANG LUGAR NA MAARING MAPUNTAHAN NG MGA DAYUHAN DITO SA PILIPINAS

LUZON

MANILA — Ang sentro ng pilipinas, ito ang baybaying parte ng syudad ng isla sa luzon. May halo itong espanyol na arketekto at desenyo or istraktura.

Luneta National Park

Rizal Park — O mas kilalang "Luneta National Park o simpleng Luneta, ito ay nakasaysayang parke sa buong pilipinas. Ito ang pinaka malaking parke sa lungsod.










FOOD — Streetfoods ( fishballs, kwek-kwek, isaw and balut at maraming pang iba).


Piesta ng itim na Nazareno
FESTIVAL — Piesta ng itim na nazareno, ang piestang ito ay sentro ito ng imahe ng itim na nazareno na itintransport ng galleon galing sa mexico papuntang manila noong ika-17 siglo. Ang piestang ito ay maraming umaantay at libo-libong deboto ang sumasamba hanggang quiapo district hanggang sa rizal park.

BATAAN — Ang lalawigang nakatayo sa sentro ng rehiyong luzon sa pilipinas. Ang capital nito ay ang syudad ng Balanga.


Ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ)

Subic Bay — Ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ), na kilala lamang bilang Subic Bay, ang unang matagumpay na kaso ng isang base militar ng Pilipinas na binago sa pamamagitan ng volunteerism sa isang tax- at duty-free zone na katulad ng Hong Kong at Singapore, pinatatakbo at pinamamahalaan ng Ang Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.

pancit palabok

FOOD — kilalang pagkain sa Bataan. Pancit na pinalilibutan ng mga itlog at sibuyas dahon.

Banga festival ay isang linggong ipinagdidiriwang sa syudad ng Balanga sa Bataan.

FESTIVAL — Ang pangalang "Banga" sa tagalog ay nanggaling ito sa "Banga o Pot" na ginagamit pang luto or lalagyan. Ang Banga festival ay pinapaalahanan ng kanilang mapagkumbabang simula. 



VISAYAS

BACOLODAng Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinaka-maunlad na pook sa lalawigan ng Kanlurang Negros. Ang lungod ay kilala para sa piesta ng MassKara na nangyayari sa Oktobre at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the Philippines".

Talisay City, Negross Occidental

Ruins - Itinayo noong 1900's ng isang mayam at makapangyarihan na si Don Mariano Ledesma Lacson. Ito ay tinaguriang Taj Mahal ng negros. Isa ito ngayon sa mga lugar na hindi nakakaligtaang dalawin ng mga turista sa Bacolod City Negros Occidental.

ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Oktubre
Masskara Festival -Ang Masskara festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing oktubre. kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong pilipinas.

Manokan County
Chicken Inasal -Hindi kompleto ang pagbisita mo sa Bacolod kung hindi mo matitikman ang Bacolod's trademark chicken inasal. Matitikman mo ang sarap ng timplada ng chicken insal na dinadayo talaga ng mga tao.


DUMAGUETE - kapital ng Negros Oriental, bilang "The City of Gentle People." Bukod dito, pinarangalan na rin ito bilang isa sa pinakamalinis na lugar sa ating bansa.

kilala din bilang belfry sa probinsya ng Negros Oriental


Ito ay historical structure na binuo noong year 1811, binuo ang bell tower para bigyang babala ang mga local kung mai paparating na trahedya. Hangang ngayon kilaal parin ito bilang pinakaluma na tower sa Visayas
Ipinagdiriwang tuwing ika 16 ng oktubre (dalawang linggong selebrasyon)
Ang Buglasan festival ay kilala rin bilang "the festival of festivals" ito ang pinaka inaabangan na festivals ng Negros Oriental.

Maari itong bilhin sa San Jose street Dumaguete 6200 Negros Oriental
Tikman ang pinakamasarap at matamis na silvanas ng Dumaguete. Sikat ito dahil sa matamis na lasa at matitikman mo lang ito sa Dumaguete.

MINDANAO


Matatagpuan ang Center sa bakuran ng Watershed Park ng Davao City Water District, Malagos, Calinan, Distrito Baguio, Lungsod Davao, Pilipinas.
Philippine National Eagle Center ay isang santuwaryo sa Pilipinas na nanganganib na maubos na Philippine eagle(Pithecophaga Jefferyi) na dating tinatawag na monkey-eating eagle nguni’t kilala ngayon sa tawag na haring ibon o haribon.

Current Philippine trending info on popular art.
Museo dabawenyo. Mga obra ng tribong Bagobo , naka-display sa Museo Dabawenyo. 


Matatagpuan ang Davao Crocodile Park sa Riverfront, Corporate City Diversion Highway, Ma-a, Lungsod Davao.
Dito matatagpuan ang mga mababangis na buwaya, kasama na ang pinakamalaking buwaya sa Filipinas, si "Pangil". Museo dabawenyo. Mga obra ng tribong Bagobo , naka-display sa Museo Dabawenyo. Current Philippine trending info on popular art.


"Sadyang napakaganda dito sa Pilipinas kaya dapat natin itong pangalagaan ng maigi."





Comments

  1. Jackpot City - Casino Guides
    The number 돈포차 of slots is one 야동 사이트 순위 of the most demanded among the players and the 예스 벳 number of 토토 사이트 넷마블 players is also the one that comes 안전 사이트 across most.

    ReplyDelete

Post a Comment