Pagpapalago ng Turismo sa Pilipinas
Sabi nga nila "You only live once" kaya lubos lubosin na natin ang mga nalalabing araw natin dito sa mundo. Hanggat buhay pa, tayo ay maglakbay at magsaya. Punuin natin ng magagandang tanawin ang ating mga mata. Isa sa Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng Maykapal ng likas na yaman at nagtataglay ng makulay na kasaysayang ating maipagmamalaki sa mga turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang maka- hikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos , malaki ang inilago ng turismo kumpara sa mga nagdaang taon ngunit sa kabila ng pagsu- sumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target na kabuuang kita para sa taong ito. Bilang isang istudyante, kahit wala tayong posisyong makilahok sa mga gawain ng gobyerno. Meron parin tayong magagawa upang makatulong na mapaunlad ang turismo sa Pilipinas. Isang paraan ay ang